Dec. 16 2009 - 12:35 pm View comments (3) |
0 | |||
Isang araw, nanikip ang dibdib at nahilo si Rey. Agad siyang sinugod sa ospital ng kanyang kaibigan. Pagdating sa ospital, nilapitan agad siya ng duktor at matapos magawan ng ilang test, sinabihan itong malubha ang karamdaman nito.
"Doc," sabi ni Rey,"grabe pala ang sakit ko, pwede mo ba akong gamutin?
Mukhang napaisip ng husto ang duktor. Matapos ang ilang minuto, heto ang sinabi niya:
"Ito na ang pinakamabigat na desisyon sa buhay ko. Maniwala man kayo o hindi, ginagawa ko ito para sa bayan, para sa inyo. I do this for unity in support of change. And if that means that somebody must make the sacrifice, it must be me. Ako na."
Tumingin ito sa katabi niyang intern at heto ang sinabi niya:
"To you Ignoy, I say: I diagnosed this patient to prepare him for you. You must now be the one to do the surgical procedure."
----
Isang araw, nanikip ang dibdib at nahilo si Rey. Agad siyang sinugod sa ospital ng kanyang kaibigan. Pagdating sa ospital, nilapitan agad siya ng duktor at matapos magawan ng ilang test, sinabihan itong malubha ang karamdaman nito.
"Doc," sabi ni Rey,"grabe pala ang sakit ko, kaya mo ba akong pagalingin?
"Magaling na duktor ang tatay ko." sabi ng duktor.
"Oo doc, kilalang duktor ang tatay niyo. Pero Doc, ang tanong ko po eh kung kaya niyo ba akong pagalingin?"
"Magaling na duktor ang nanay ko." sabi ng duktor.
"Oo doc, kilalang duktor din ang tatay niyo, kagaya po ng nanay niyo. Pero, ang tanong ko po, KAYO BA, kaya niyo ba akong pagalingin?" sabi ng iritadong pasyente.
"Aba! May duda ka yata! Kung magaling na duktor ang nanay at tatay ko, siyempre hindi ko sisirain ang maganda nilang pangalan!"
---
Isang araw, nanikip ang dibdib at nahilo si Rey. Agad siyang sinugod sa ospital ng kanyang kaibigan. Pagdating sa ospital, nilapitan agad siya ng duktor at matapos magawan ng ilang test, sinabihan itong malubha ang karamdaman nito.
"Doc," sabi ni Rey,"grabe pala ang sakit ko, kaya mo ba akong pagalingin?
"Baka hindi mo alam, ako ang nag-top sa licensing exam sa batch ko!"
"Ang galing mo naman doc, pero ang tanong ko po eh kung kaya niyo ba akong pagalingin?"
"Baka hindi mo alam, napakatalino ko at ako ang may pinakamataas ang IQ dito sa buong ospital!"
"Doc, grabe talaga ang sakit ko, ikaw na nga ang nagsabi. Pero doc, kaya mo ba akong pagalingin?"
"Hindi mo ba na-gets? Ako ang top notcher sa medical licensure exam! Ako ang pinakamatalino sa ospital!"
---
Isang araw, nanikip ang dibdib at nahilo si Rey. Agad siyang sinugod sa ospital ng kanyang kaibigan. Pagdating sa ospital, nilapitan agad siya ng duktor at matapos magawan ng ilang test, sinabihan itong malubha ang karamdaman nito.
"Doc," sabi ni Rey,"grabe pala ang sakit ko, kaya mo ba akong pagalingin?
"Dalawa lang iyan eh. Una, ako ang pinakamayaman na doktor dito dahil ako ang may-ari ng ospital. Ikalawa, mas mayaman ang asawa ko kasi mas marami siyang pag-aaring ospital!"
--
Isang araw, nanikip ang dibdib at nahilo si Rey. Agad siyang sinugod sa ospital ng kanyang kaibigan. Pagdating sa ospital, nilapitan agad siya ng duktor at matapos magawan ng ilang test, sinabihan itong malubha ang karamdaman nito.
"Doc," sabi ni Rey,"grabe pala ang sakit ko, kaya mo ba akong pagalingin?
"Natanggal ako dati sa ospital na ito at nakulong. Pero don't worry, pinatawad na ako."
---
Isang araw, nanikip ang dibdib at nahilo si Rey. Agad siyang sinugod sa ospital ng kanyang kaibigan. Pagdating sa ospital, nilapitan agad siya ng duktor at matapos magawan ng ilang test, sinabihan itong malubha ang karamdaman nito.
"Doc," sabi ni Rey,"grabe pala ang sakit ko, kaya mo ba akong pagalingin?
"Maigi niyan, mag-retreat muna tayo."
---
Isang araw, nanikip ang dibdib at nahilo si Rey. Agad siyang sinugod sa ospital ng kanyang kaibigan. Pagdating sa ospital, nilapitan agad siya ng duktor at matapos magawan ng ilang test, sinabihan itong malubha ang karamdaman nito.
"Doc," sabi ni Rey,"grabe pala ang sakit ko, kaya mo ba akong pagalingin?
"Let's give thanks to God."

"Tangina! Ano ba ito!!!"

"Kakamatay lang ng nanay ko at matapos ng mahabang pagninilaynilay, masasabi ko: Pwede nang umasa!"
---
Isang araw, nanikip ang dibdib at nahilo si Rey. Agad siyang sinugod sa ospital ng kanyang kaibigan. Pagdating sa ospital, nilapitan agad siya ng duktor at matapos magawan ng ilang test, sinabihan itong malubha ang karamdaman nito.
"Doc," sabi ni Rey,"grabe pala ang sakit ko, kaya mo ba akong pagalingin?
"Number 1 ako sa survey."

"Honest ako at sincere."

"May konsensya naman ako eh. Kokonsensyahin na lang kita. Humanda ka!"
---
Kapag malubha ang karamdaman mo at naghahanap ka ng duktor na magbibigay lunas sa karamdaman mo, ang pinaka-importanteng bagay na kailangan mong malaman ay kung ano ang karanasan ng duktor sa pagpapagaling ng mga karamdaman tulad ng karamdaman mo. Susuriin mo ng husto ang kanyang kakayanan sa pagpapagaling batay sa dami ng pasyente niyang napagaling na niya...
Walang kinalaman dito ang pagiging topnotcher, pagiging mayaman, pagiging sikat, pagiging honest at sincere.
No comments:
Post a Comment