Paul Farol: Ang piloto


Dec. 17 2009 - 08:00 am
View comments (0)


0



May isang bagong airline na naglabas ng wanted ad para makakuha ng isang piloto at marami ang nag-apply.

Interviewer: "Marunong ka bang magpalipad ng eroplano?"

Aplikante: "Abah! Siyempre naman!  Mayaman ako at marami akong eroplano! At hindi lang iyan, mas mayaman ang misis ko at mas marami siyang eroplano!"

---

May isang bagong airline na naglabas ng wanted ad para makakuha ng isang piloto at marami ang nag-apply.

Interviewer: "Marunong ka bang magpalipad ng eroplano?"

Aplikante: "Kung hindi mo alam, sasabihin ko sa iyo, nag-top ako sa licensure exam para sa lahat ng mga piloto sa buong bansa."

Interviewer: "Magaling! Magaling! So, dahil siguro magaling ka nga eh, mahaba na ang experience mo sa pagpapalipad ng eroplano ano? Tama ba?"

Aplikante: "Well, nasabi ko na sa iyo na nag-top ako sa licensure exam para sa lahat ng piloto sa buong bansa diba?"

---

May isang bagong airline na naglabas ng wanted ad para makakuha ng isang piloto at marami ang nag-apply.

Interviewer: "Marunong ka bang magpalipad ng eroplano?"

Aplikante: "Ang nanay ko piloto.  Ang tatay ko piloto.  At hindi lang iyan, ang nanay at tatay ko ang pinakasikat at pinakamamahal na piloto sa buong bansa.  Mga heroes ang nanay at tatay ko. Nasa dugo ko ang maging piloto."

Interviewer: "Ah! Okay ah! Kilala ko nga ang nanay at tatay mo.  O, so, marunong kang magpalipad ng eroplano?"

Aplikante: "Nasa dugo ko iyan!"

Interviewer: "Oo nga naman. Ano na ba ang experience mo sa pagpapalipad ng eroplano?"

Aplikante: "Hindi ba, nasabi ko na sa iyo na magaling na mga piloto ang nanay at tatay ko?"

---

May isang bagong airline na naglabas ng wanted ad para makakuha ng isang piloto at marami ang nag-apply.

Interviewer: "Marunong ka bang magpalipad ng eroplano?"

Aplikante: "Mr. Interviewer, hindi ako marunong magsinungaling at hindi ko ikakaila, hindi ako marunong magpalipad ng eroplano."

Interviewer: "So, bakit ka nag-apply?"

Aplikante: "Sinamahan ko kasi iyong kaibigan ko dito na mag-apply bilang piloto, kaso sa huling sandali, bigla siyang nadiyahe.  So, ako na lang ang pinag-apply niya at tutal, nandito na rin ako, nag-apply na ako."

Interviewer: "Ay nakuh! Ang kelangan ko iyong marunong magpalipad ng eroplano!"

Aplikante: "Kayo naman sir! EH DI TURUAN NIYO AKO KUNG PAANO MAGPALIPAD!"

No comments: